 |
| |
| |
| Sa Isang Salita: 'Kinig Kita' ni Msgr. Noel |
| 27 September 2020 |
| |
|
'Kinig kita'
Kung nais nating maging kapani-paniwala sa iba, dapat makita sa gawa ang ating ipinapahayag. "Our words should match our actions."
Higit na mahalaga sa tao ang kanilang 'nakikita,' kaysa sa kanilang 'naririnig.' Mauunawaan ng iba ang kanilang naririnig; pero ang tutularan nila ay ang kanilang nakikita.
May tatlong sukatan ng integridad ang tao. Gaano nga ba tayo katotoo at tapat:
* Consistency. Hindi ba nagbabago ang ating ugali at asal kahit sino ang ating makaharap na tao? * Choices. Sino ang higit na nakikinabang sa ating mga desisyon o pagpili, sarili o iba? * Credit. Kinikilala ba natin ang ambag ng ibang tao sa ating mga tagumpay?
Pagkakaugnay ng salita at gawa, pananampalatata at buhay, ang hinihingi ng pagsunod sa kalooban ng Diyos. Dapat nating pangatawanan ang pananampalatayang ating ipinapahayag. O mananatili tayong Kristiyano lamang sa papel at hindi sa katotohanan.
Sabi nga ni Ralph Waldo Emerson, "Your actions speak so loudly, I cannot hear what you are saying."
*Ikadalawampu't anim na Linggo sa Karaniwang Panahon (A) |
|
| |
|
|
|
| |
| |
|
| |
|
| |
|
|