 |
| |
| |
| Sa Isang Salita: 'Una' ni Msgr. Noel |
| 25 October 2020 |
| |
|
"First things first," ayon kay Stephen Covey, ang isa sa panuntunan ng taong matagumpay. Kapag inuna natin ang tunay na mahalaga, magiging madali at maayos ang lahat.
Itinakda ng Sampung Utos ang pag-ibig sa Diyos bilang pinakauna sa lahat upang ipaalaala kung sino ang dapat maging prioridad natin sa buhay. Sa ebanghelyo, ipinaalala ni Hesus ang pinadakilang utos. "Mahalin mo ang Panginoon mong Diyos nang buo mong puso, kaluluwa, pag-iisip at lakas."
Kapag nagpasya tayo para kay Kristo, buong buhay - lahat ng resources at enerhiya na mayroon tayo - ay dapat nating ilaan para pangatawanan ang buhay na ating niyakap.
Hindi pwede sa isang Kristiyano ang half-hearted. Pag wagas ang pagmamahal, walang kahati ang puso. Buo ang loob. Walang pasubali at alinlangan.
Kapag inuna natin ang Diyos, magkakaroon ng kaayusan ang ating buhay at ang ating lipunan. Gawin nating atin ang panalanging ito ni San Ignacio:
"Pinakamamahal na Panginoon, turuan mo akong maging bukas-palad. Sa Iyo'y maglingkod ng karapat-dapat; magbigay 'wag sa gugol masindak. Makibaka't huwag mag-inda ng sugat; magsikap at hindi pahinga ang hanap; gumawa at h'wag maghintay ng bayad, maliban na lamang sa gunitang hanap, na kalooban Mo'y aking ginaganap... Amen.
*Ikatatlumpong Linggo sa Karaniwang Panahon |
|
| |
|
|
|
| |
| |
|
| |
|
| |
|
|