 |
| |
| |
| Sa Isang Salita: 'Tahimik' ni Msgr. Noel |
| 30 October 2020 |
| |
|
Hindi lahat ng pananahimik ay mabuti. May pagkakataong kailangan nating magsalita upang magpahayag ang katotohanan.
Nang tanungin ni Hesus ang mga Pariseo at mga dalubhasa sa Kautusan, "Naaayon ba sa Kautusan ang magpagaling sa Araw ng Pamamahinga o hindi?" Wala sa kanilang sumagot. Nanatili silang tahimik. Sa kanilang puso, alam nilang walang batas ang maaaring humadlang sa paggawa ng kabutihan. Batid nilang higit na mahalaga ang buhay ng tao kaysa pagtupad sa batas ng Sabat. Subalit mas pinili nilang manahimik para pagtakpan ang katotohanan.
"When truth is replaced by silence, the silence is a lie" (Yevgeny Yevtushenko).
Hindi maaaring manahimik ang isang Kristiyano sa harap ng pamamayani ng kasamaan. Ang pagpanig kay Hesus ay isang desisyon ng buhay. "With Jesus we cannot remain noncommittal; we cannot protect ourselves against risks."
Nawa'y gamitin natin ang kapangyarihang magsalita para magpalaganap ng liwanag at katotohanan.
*Biyernes sa Ikatatlumpong Linggo sa Karaniwang Panahon |
|
| |
|
|
|
| |
| |
|
| |
|
| |
|
|