 |
| |
| |
| Sa Isang Salita: 'Listahan' ni Msgr. Noel |
| 03 November 2020 |
| |
|
Sinu-sino kaya ang kasama sa guest list kapag naghahanda tayo ng isang piging? Tiyak na kabilang sa listahan ang nasa ating 'circle of friends.' At malamang, exclusive ito sa mga kamag-anak at kaibigan, sa mga kakilala at kauri.
Sa Talinghaga ni Hesus, binago niya ang hanay ng mga panauhin. Lahat ay kasama sa listahan. Walang itinatangi. Imbitado niya maging ang mga bulag, pilay at pulubi sa lansangan.
Ito ang kahulugan ng misyon ni Hesus. Hindi lang ang mga karapat-dapat ang inaanyayahan; sa halip, ang mga inaanyayahan ay kanyang pinapagindapat. "For Jesus, welcome and respect come first, then conversion follows." (J. Martin)
Hindi dahil sa ating kabanalan kaya Niya tayo minahal, kundi minahal na niya tayo kahit tayo'y makasalanan.
Tuwing dumadalo tayo sa piging ng Banal na Misa, alalahanin natin ang sinabi ni Papa Francisco: "Eucharist is not a prize for the perfect but a powerful medicine and nourishment for the weak."
*Martes sa Ikatatlumpu't isang Linggo sa Karaniwang Panahon |
|
| |
|
|
|
| |
| |
|
| |
|
| |
|
|