 |
| |
| |
| Sa Isang Salita: 'Wais' ni Msgr. Noel |
| 06 November 2020 |
| |
|
Wise o 'wais' ang tawag natin sa mga taong madiskarte o 'street-smart.' Likas na maparaan at kaya nilang humanap ng praktikal na solusyon sa mga problema. Ang nakapagtataka, ginagamit ng iba ang pagiging 'matalino' sa panlalamang sa kapwa o sa pandaraya.
Ani Hesus sa ebanghelyo, "ang mga makasanlibutan ay mas magaling gumawa ng paraan kaysa maka-Diyos." Sa tunay na buhay, mas ginagamit natin ang ating galing, yaman at oras sa mga bagay na walang katuturan kaysa sa mga tunay na mahalaga sa buhay. Madaming mga kaloob mula sa Diyos ang naaaksaya sapagkat di natin nagagamit sa pagpapahayag ng ebanghelyo sa kapwa.
Sa talinghaga ng tusong katiwala, dapat nating tularan ang pagka-'wais' nito sa paggamit ng mga bagay sa mundong ito para kamtin ang makalangit na pagpapala.
*Biyernes sa Ikatatlumpu't isang Linggo sa Karaniwang Panahon |
|
| |
|
|
|
| |
| |
|
| |
|
| |
|
|