 |
| |
| |
| Sa Isang Salita: 'Lihim' ni Msgr. Noel |
| 01 December 2020 |
| |
|
Literal na mababa ang pinto sa Simbahan ng Pagsilang sa Betlehem. Kailangan mong yumuko upang makapasok. Makahulugan ito para atin. Kailangan natin ang kababaang loob para maunawaan ang pamamaraan ng Diyos.
Wika ni Hesus: "Inilihim mo ang mga bagay na ito sa mga pantas at matatalino at inihayag sa mga may kaloobang tulad ng sa bata."
Wala sa taas ng pinag-aralan ang kakayahang unawain ang karunungan ng Diyos. Mananatili itong lihim sa mga may palalong puso. Lampas sa kanilang pang-unawa ang pagsilang ng anak ng Diyos sa isang hamak na sabsaban. Taliwas ito sa katwiran.
Ipinapaalaala ng ebanghelyo ang disposisyong hinihingi ng panahong ito ng Adbiyento. Maraming misteryo ng buhay na hindi kayang tanggapin ng katwiran, subalit kayang unawain ng pusong may pananalig.
Maging bukas ang ating puso upang danasin ang pagdating ng Diyos, hindi lang sa kapaskuhan, kundi sa araw-araw.
*Martes sa Unang Linggo ng Adbiyento |
|
| |
|
|
|
| |
| |
|
| |
|
| |
|
|