 |
| |
| |
| Sa Isang Salita: 'Patotoo' ni Msgr. Noel |
| 10 December 2020 |
| |
|
May isang kakatwang imahen si Juan Bautista na nakaturo ang kanang kamay. Paliwanag ng iskultor na gumawa nito: ang itinuturo ni Juan ay si Hesus. Ipinakilala niya si Hesus sa mga tao, at hindi ang kanyang sarili. "May darating na higit pa kaysa akin," ang laging ipinapahayag ni Juan.
Nagpatotoo si Juan kay Hesus; at nagpakatotoo rin siya sa sarili. Hindi niya inangkin ang dangal na nakalaan sa Mesias.
Ang Adbiyento ay panahon ng pagbibigay saksi sa pagdating ni Hesus. Sino kaya ang higit na may lugar sa ating buhay: si Hesus o ang ating sarili? Tulad ni Juan, sabihin din natin: He must increase; I must decrease."
Sa kapakumbabaan, binigyang-dangal siya ni Hesus: "sa mga propeta, walang higit na dadakila pa kay Juan."
*Huwebes sa Ikalawang Linggo ng Adbiyento.
|
|
| |
|
|
|
| |
| |
|
| |
|
| |
|
|