 |
| |
| |
| Sa Isang Salita: 'Magkaiba' ni Msgr. Noel |
| 11 December 2020 |
| |
|
Ang pagdalaw ng Diyos ay nalalambungan ng hiwaga. Nagaganap ito sa iba't-ibang paraan at panahon. Ganito ang natura ng misteryo. Hindi maaaring ilimita sa iisang anyo ng pagpapahayag. Bawat isa ay magkaiba, pero magkaugnay. Tumutugon sa hamon ng panahon.
Dumating si Juan at ipinamalas niya sa kanyang buhay ang halimbawa ng pagtitimpi at pagtanggi sa sarili. Dumating si Hesus, at ipinahayag niya ang galak sa kaganapan ng pangako ng Diyos.
Ang buhay ng Simbahan ay "pagkakaisa sa pagkakaiba." Hindi lamang iisa ang mukha ng kabutihan. Walang sinuman ang may monopoliya ng paraan ng pagpapakabanal. Lumalago ang buhay ng Simbahan sa pagkakaiba. Ang pagkilos ng Espiritu ay tulad ng "hanging umihip kung saan niya ibig." Sa ating sambayanang magkakaiba ang kaloob, mas marami dapat pagbahaginan. "It's because we are so different that we have so much to share."
*Biyernes sa Ikalawang Linggo ng Adbiyento
|
|
| |
|
|
|
| |
| |
|
| |
|
| |
|
|