 |
| |
| |
| Sa Isang Salita: 'Takas' ni Msgr. Noel |
| 14 December 2020 |
| |
|
Ang mga taong nalulugod na manatili sa dilim ay tahasang tumatalikod sa liwanag. Dahil sa kapalaluan, ayaw nilang malantad ang kanilang kahibangan.
Tinatakasan nila ang katotohanan upang ang pansariling interes ay protektahan.
Ganito ang katatayuan ng mga eskriba at pariseo. Ayaw nilang kilanlin na ang kapangyarihan ni Juan na magbinyag ay galing sa Diyos. Hindi nila matanggap ang radikal na pagbabagong hatid ng pagdating ng Mesias. Mas pinili nilang makulong sa lumang kaisipan at gawi kaysa tanggapin ang bagong buhay na mensahe ng ebanghelyo.
Maraming tao ang nalalampasan ng Pagdating ng Diyos sa kanilang buhay sapagkat ayaw nilang harapin ang katotohahan. Tinatakasan nila ang panawagan ng pagbabago.
Nawa'y ang panahon ng Adbiyento ay maging okasyon upang ang ating puso ay maging bukas sa pagkilos ng Diyos sa ating karanasan sa bawat araw.
*Lunes sa Ikatlong Linggo ng Adbiyento |
|
| |
|
|
|
| |
| |
|
| |
|
| |
|
|