 |
| |
| |
| Sa Isang Salita: 'Matimbang' ni Msgr. Noel |
| 15 December 2020 |
| |
|
Talk is cheap; but actions are priceless. Higit na matimbang ang isinasaad ng kilos kaysa ipinapahayag ng salita. Wala sa ganda ng pananalita ang patunay ng wagas na pag-ibig kundi sa sakripisyong handang iukol ng isang tao sa kanyang minamahal. Sabi nga, love is not what you say. Love is what you do.
Sino ang tunay na tumalima sa kalooban ng kanilang ama: ang panganay na kapatid na nagsabi ng Oo, pero hindi tinupad ang kanyang salita; o ang pangalawang kapatid, na nagsabi ng Hindi, pero nagbago ng isip at sumunod sa utos ng kanyang ama?
Hungkag ang ating pananampalataya kung panlabas na seremonyas lamang ang pagpapahayag natin ng kabanalan. Huwad ang relihiyong walang pagmamalasakit at paglingap sa mga nangangailangan. Ang tunay na sumasamba sa Diyos ay may aktibong pakikisangkot sa mga nagaganap sa kapaligiran.
Naway maisabuhay natin ang ating pinananaligan; mapangatawanan ang ating mga ipinahahayag at maipagtanggol ang ating ipinaglalaban.
*Martes sa Ikatlong Linggo ng Adbiyento |
|
| |
|
|
|
| |
| |
|
| |
|
| |
|
|