 |
| |
| |
| Sa Isang Salita: 'Ina' ni Msgr. Noel |
| 20 December 2020 |
| |
|
Isang anim na taong gulang na batang lalaki ang inulila ng nagdaang bagyo. Pitong araw na siyang pauli-uli sa mga lansangan ng bayan; nabubuhay sa pamumulot ng basura at sa tulong ng ibang tao. Nakarating ito sa kaalaman ng isang mag-asawang mayaman. Inampon nila ang bata.
Nang dumating ang araw na isama na ang bata sa bahay ng mag-asawa, nagulat siya sapagkat sinalubong siya ng isang malaking handaan. Tinanong niya ang mga umapon sa kanya kung anong okasyon. Ang sagot nila: "dahil ngayon ay birthday mo!" Sabi ng bata: pero sa ibang buwan po ang aking kaarawan!" At sumagot ang ina: sapagkat sa araw na ito ay pinili ka naming maging bahagi ng aming buhay at tumuloy sa aming tahanan. Para sa amin, ito ay iyong kaarawan.
Ang pagiging ina ay hindi lang sa pisikal na kahulugan nito. Ito ay nagaganap sa sandaling akuin at pagpasyahang maging ina para sa bata. Higit na malalim ang ugnayang ispiritwal sapagkat ito ay nakaugat sa pasya ng puso.
Noong una, ang Misa sa araw na ito (Disyembre 20) ay tinatawag na Missa Aurea (Golden Mass) sapagkat sa ebanghelyo, ipinahayag ni Maria ang kanyang pasya na tanggapin ang misyon na maging Ina ng Mananakop. Sa wika ni San Agustin: sa kanyang "Oo," naunang naging ina si Maria sa ispirituwal na kahulugan nito. Mary's spiritual motherhood precedes that of the physical because she first received the Word in her heart.
Sa sandaling sabihin natin ang Oo kay Hesus, pinapayagan mo siyang pumasok sa ating buhay. Nagiging ina tayo ni Hesus at nagkakaroon tayo ng kapangyarihang iluwal siyang muli sa ating lipunan.
Bilang Kristiyano, tinatawag tayo hindi lang upang maging tagatanggap o tagapakinig ng Salita (disipulo). Tulad ni Maria, tinatawag tayong maging Ina - upang muling isilang ang Salita, si Hesus, sa ating lipunan.
"Even though Jesus was born in Bethlehem, his real desire is to be born in the hearts of Christians, to be re-produced by believers." (Ernest M.) Ito ang pangunahing tawag at gawain ng mga binyagan, ang maging ina ni Kristo. Let us bring Christ out of CHRISTmas into our daily lives. Tayo ay mga katiwala ng pananampalataya na dapat nating bigyang pagsaksi sa ating buhay. Ito ang esensya ng pasko ng pagsilang.
*Disyembre 20, Ikalimang Araw ng Misa de Gallo, Ikaapat na Linggo ng Adbiyento |
|
| |
|
|
|
| |
| |
|
| |
|
| |
|
|