 |
| |
| |
| Sa Isang Salita: 'Martir' ni Msgr. Noel |
| 26 December 2020 |
| |
|
Ang Pasko ay hindi lamang araw ng pagsasaya; ito ay panahon din ng pagsaksi. Ang mga Mago at pastol na unang pinagpahayagan ng Mesias ay binago ng kanilang pagdalaw sa Bethlehem. Umuwi silang nagbibigay saksi kay Hesus.
Ito ang dahilan kung bakit isang araw makalipas ang Pasko, inaalaala ng Simbahan si San Esteban, ang unang Kristiyanong martir. Ang kahulugan ng salitang martir ay saksi. Binigyang saksi ng kamatayan ni Esteban ang pananampalataya kay Hesus.
Maaari rin tayong sumaksi kay Hesus hindi lang sa kamatayan, kundi sa pamamagitan ng tapat na pamumuhay. Sabi nga, Let us take Christ out of CHRISTmas. Hindi dapat manatili si Hesus sa isang araw lamang. Ilabas natin Siya mula sa Pasko at araw-araw ay dalhin natin siya sa lahat ng larangan ng pamumuhay.
*Disyembre 26, Kapistahan ni San Esteban Oktaba ng Pasko ng Pagsilang |
|
| |
|
|
|
| |
| |
|
| |
|
| |
|
|