Sa Isang Salita: 'Musmos' ni Msgr. Noel
28 December 2020
 
Hindi naging hadlang ang kanilang murang gulang upang magbigay-saksi kay Hesus sa pamamagitan ng kamatayan. Ito ang inaalaala ng Simbahan sa Kapistahan ng mga NiƱos Inocentes, mga batang ipinapaslang ni Herodes para mawala ang banta sa kanyang trono. Sa kabila ng kamusmusan, tinanggap nila ang biyayang makiisa sa sakripisyo ni Kristo.

Sa panahon ng Oktaba ng Pasko ng Pagsilang, ipinapaunawa sa atin ng ebanghelyo ang buong kahulugan ng pasko. Ito ay ang pagtawid (passover) sa kamatayan tungo sa buhay. Sa sabsaban pa lamang, dinanas na ni Hesus ang kamatayan sa kanyang pagpapakumbaba. Inako Niya ang ating abang kalagayan upang bigyan tayo ng bagong buhay.

Walang pinipiling yugto ng buhay ang pagbibigay-puri sa Diyos. Tinanggap natin ang biyaya ng buhay bago pa tayo magkamalay. Isang biyaya na maihandog din natin ito sa kabila ng kakapusan ng ating pag-unawa sa hiwaga ng pagtawag.

*Disyembre 28, Kapistahan ng mga Banal na Sanggol na Walang Kamalayan, Mga Martir
Oktaba ng Pasko ng Pagsilang

 
 
 
 
 
 
 
Diocese of Lucena dot org                                            All Rights Reserved ©2020
This website is developed and maintained by and for the faithful of the Diocese of Lucena
 
HOME   |   BACK TO TOP    |   LOG IN