 |
| |
| |
| Sa Isang Salita: 'Tinadhana' ni Msgr. Noel |
| 29 December 2020 |
| |
|
"Di tayo pwede... pinagtagpo ngunit di 'tinadhana..." Ito ang nilalaman ng isang OPM song tungkol sa istorya ng pag-ibig na hindi nagkaroon ng kaganapan.
Iba ang love story ng Diyos at tao. Nakatadhana itong maganap. Kahit na nagtaksil ang tao, ang Diyos ay nanatiling tapat. Tinupad niya ang kanyang pangako.
Ang Pagsilang ng Mananakop ay kongkretong katuparan nito. Mapalad si Simeon nang makita at mahawakan niya ang batang si Hesus. "Kunin Mo na ang iyong abang lingkod," aniya, "yayamang nakita ng mga aking mga mata ang iyong pagliligtas."
Si Simeon ay kumakatawan sa bawat isang nananalig at naghihintay sa kaganapan ng plano ng Diyos. Sa kanyang puso, alam niyang hindi siya mabibigo.
"A faithful believer is a true lover." Sa istorya ng pag-ibig ng Diyos, itinadhanang makakatagpo natin si Hesus. Sa madilim na yugto ng kasaysayan, Siya ang Liwanag sa lahat ng mga bansa.
*Disyembre 29, Oktaba ng Pasko ng Pagsilang |
|
| |
|
|
|
| |
| |
|
| |
|
| |
|
|