 |
| |
| |
| Sa Isang Salita: 'Pagpapakita' ni Msgr. Noel |
| 03 January 2021 |
| |
|
Nagiging buo ang istorya ng Pasko sa pagpapakita ng Mesias sa mga Mago buhat sa silangan. Ito ang kahulugan ng Epifanía: ipinahayag ng Diyos na ang kanyang mapanligtas na pagmamahal ay para sa lahat, at hindi lang para sa mga Judío. Ang mga Mago ang kinatawan nating mga Hentil sa Belen.
Tulad ng mga Mago na naglakbay upang hanapin ang Mesias, ang ating buhay isang patuloy na paghahanap sa Liwanag. May tatlong mahalagang elemento ang paglalakbay na ito.
Tala. Gumamit ang Diyos ng elemento sa kalikasan para magpahayag. Tala ang ginamit niya para magpakita sa mga pantas. Sa buhay, gumagamit ang Diyos ng tao o pangyayari para magparamdam sa atin. Sino o ano kaya ang 'star' ng buhay natin na nagdadala sa atin kay Kristo?
Handog. Sa mga nananalig, handang isuko ang mahalaga sa kanya (ginto); ang kanyang pagsamba at lahat ng ukol sa Diyos (kamanyang); at maging ang kanyang buhay at kamatayan (mira).
Pagbabago. Ang sumusunod kay Hesus ay handang magpanibago ng gawi at buhay. Ang mga mago "ay nagbago na ng daan pauwi." Sa pagpasok ng 2021, maraming hinihinging pagbabago sa uri ng pamumuhay, damit, pagkain at libangan. Bilang katiwala ng buhay at kalikasan, ang pamumuhay nang payak ay isang hakbang tungo sa panlipunang pagpapanibago.
*Enero 3, Linggo pagka-Bagong Taon, Kapistahan ng Epifania |
|
| |
|
|
|
| |
| |
|
| |
|
| |
|
|