 |
| |
| |
| Sa Isang Salita: 'Dukha' ni Msgr. Noel |
| 07 January 2021 |
| |
|
Dukha Hindi lamang materyal na yaman ang sagot sa kahirapan. Kung minsan pa nga, ito ang nagiging sanhi ng mas matinding karalitaan. Kapag hindi naging maingat, ang yaman ay maaaring makasira sa dangal ng tao.
May mas malalim na karukhaan ang tinutugunan ng pagdating ng Mesias. Ito ay ang pagkagutom ng espiritu. Hindi ito kayang punuan ng kaligayahang dulot ng salapi. Tanging Diyos lamang ang maaaring tumugon sa pinakamalalim na paghahangad ng tao.
Ito ang dahilan kung bakit sa programa ng pangangaral ni Hesus, una sa listahan ang mga dukha. Sa pasimula ng kanyang ministeryo, ipinahayag Niya: Sumasaakin ang Espiritu ng Panginoon. Sapagkat hinirang niya ako upang ipangaral sa mga dukha ang Mabuting Balita.
Tumugon tayo sa hamon ng pinagpanibagong ebanghelisasyon. Sa paghahatid natin ng Salita ng Diyos sa mga maralita, silay nabibigyan ng kapangyarihang maging tagapangaral din nito sa kapwa. Sa gitna ng lipunang labis ang pagpapahalaga sa kayamanang makalupa, ang mga dukha ay mabisang saksi sa yaman at kapangyarihan ng Salita ng Diyos sa ating buhay.
*Huwebes pagkatapos ng Epipaniya |
|
| |
|
|
|
| |
| |
|
| |
|
| |
|
|