Sa Isang Salita: 'Tanyag' ni Msgr. Noel
09 January 2021
 
"To be unknown is to be unloved." Sabi ng isang manunulat, ito ay isa mga maling paniniwala ng ating makabagong panahon. Kaya nga, maraming tao ang mahilig magpapansin. Wala nang may gustong magtrabaho nang lihim. Lahat ay naghahangad manatili sa 'limelight,' sa pag-aakalang ang kasikatan ay sukatan ng dami ng nagmamahal.

Kaakibat ng katanyagan ay ilusyon ng kadakilaan. Sa rurok ng kasikatan lumalabas ang tunay sa ating pagkatao. Ang taong tapat sa sarili ay hindi nagpapanggap.

Ipinamalas ito ni Juan Bautista. Sa dami na ng kanyang nagawa at naipangaral, maaari na niyang angkinin ang papel at gampanin ng Mesias. Subalit hindi niya inako ang dangal na hindi para sa kanya. Aniya, "Christ must increase, and I must decrease."

Sa ating pagpanaw sa sarili, si Kristo ang mabubuhay sa atin. Dito magaganap ang tunay na Epipaniya (pagpapakita) ng Diyos.

*Sabado pagkatapos ng Epipaniya

 
 
 
 
 
 
 
Diocese of Lucena dot org                                            All Rights Reserved ©2020
This website is developed and maintained by and for the faithful of the Diocese of Lucena
 
HOME   |   BACK TO TOP    |   LOG IN