Sa Isang Salita: 'Ngayon' ni Msgr. Noel
11 January 2021
 
Kapag Diyos ang nagplano, laging 'perfect' ang 'timing.' May itinatakda siyang oras sa lahat ng kaganapan sa buhay. Sa bawat sandali at pook, aktibong kumikilos ang kanyang biyaya.

Tapos na ang panahon ng kapaskuhan. Bumabalik na tayo sa mga "karaniwang panahon" sa liturhiya ng Simbahan. Subalit mula sa pananaw ng nananalig, walang ordinaryo o karaniwan. Lahat ng panahon ay espesyal at natatangi. Bawat sandali ay okasyon ng pagtawag ng Diyos.

Ito ang ipinaalaala ng istorya ng pagtawag ni Hesus sa mga unang alagad. Sa isang karaniwang lugar at panahon, binago ng Diyos ang buhay ng mga mangingisda sa Galilea. Magmula noon, sila ay mamamalakaya na ng mga tao.

Isang hamon sa bawat Kristiyano upang ang bawat panahon ay gawing sandali ng biyaya. Gawin nating 'kairos' ang bawat 'chronos' sa bawat araw ng ating buhay.

*Lunes sa Unang Linggo ng Karaniwang Panahon

 
 
 
 
 
 
 
Diocese of Lucena dot org                                            All Rights Reserved ©2020
This website is developed and maintained by and for the faithful of the Diocese of Lucena
 
HOME   |   BACK TO TOP    |   LOG IN