Sa Isang Salita: 'Mabisa' ni Msgr. Noel
12 January 2021
 
Hindi lamang kasanayan ang sukatan ng galing sa pananalita. Higit na mahalaga ang pagsaksi sa salitang ipinapahayag.

Si Hesus ay nangaral "nang may kapangyarihan" hindi tulad ng mga eskriba at pariseo. Pati ang mga demonyo ay tumatalima sa kanyang utos. Takot ang demonyo sa kapangyarihan ng Salita. Walang laban ang pwersa ng kadiliman sa pangangaral ng Salitang Nagkatawang Tao.

Mabisa ang pangangaral ng mga Kristiyanong tapat na sumasaksi sa ebanghelyo. Sa kanilang pamumuhay, muli't muling nagkakatawang tao ang mensahe ng Panginoon.

*Martes sa Unang Linggo sa Karaniwang Panahon

 
 
 
 
 
 
 
Diocese of Lucena dot org                                            All Rights Reserved ©2020
This website is developed and maintained by and for the faithful of the Diocese of Lucena
 
HOME   |   BACK TO TOP    |   LOG IN