 |
| |
| |
| Sa Isang Salita: '#Unli' |
| 17 March 2020 |
| |
|
24/7 at unli ang pinasikat na promo ng mga telcos. Walang limitasyon, kahit saang network, maaari kang magconnect.
Ganito ang awa at habag ng Diyos. Walang sukatan, walang hangganan. Magkasala man tayo, maaari tayong kumonek sa Diyos 24/7. Anumang oras, maaaring humingi ng tawad at magsisi.
Ani Hesus sa ebanghelyo: "hindi lamang pito, kundi makapitumpong ulit pa nito."
Ang numerong pito ay simbolo ng kaganapan. Kapag pinarami pa ng pitumpo, ang katumbas nito ay walang hanggan. Ganito ang awa ng Diyos. Ito ang pamantayan ng pagpapatawad sa kapwa. Hindi natin dapat bilangin ang pagkakataong dapat tayong magpatawad sa taong nagkakasala sa atin.
"To err is human, to forgive is divine." Sa pagpapatawad, tayo'y nagiging tulad ng 'stained glass' ng simbahan: ang ganda nito ay higit na tumitingkad nang dahil sa sinag ng araw na lumalagos mula sa labas.
*Martes sa Ikatlong Linggo ng Kuwaresma |
|
| |
|
|
|
| |
| |
|
| |
|
| |
|
|