Sa Isang Salita: 'Moving On' ni Msgr. Noel
13 January 2021
 
Ang istorya ng buhay ni Hesus ay larawan ng patuloy na pagkilos: mula Bethlehem tungo sa Ehipto, mula Ehipto patungo sa Nazareth, mula Nazareth tungo sa Capernaum, Galilea at sa iba pang bayan.

Hindi tumitigil ang misyon ng Mesias. Kaya sa ebanghelyo ay sinabi ni Hesus: "Kailangang pumunta rin naman tayo sa mga karatig pook upang makapangaral ako doon."

Sa biblia, may tatlong direksyon ng pagkilos si Hesus:

1. Moving forward (pagsulong): Hindi dapat manatili sa Capernaum - sa 'home base' ni Kristo - ang kanyang gawain. Ang magandang balita ay dapat ipalaganap sa lahat. Sa buhay, ang pagtigil sa pagsulong ay pag-urong. Hindi maaring hadlangan ang pwersa na pagpapanibago.

2. Moving outward (misyon): Likas sa Diyos ang pumunta sa pook ng paghihirap. Pinuntahan niya ang ating abang kalalagayan na nangangailangan ng pagliligtas. Ganito dapat tayo bilang Simbahan. "The Church exists not for itself but for the world." Paanyaya itong iwan ang ating 'tahanan,' simbolo ng seguridad at 'comfort zone,' para makabahagi sa misyon ni Kristo. Sabi ni Pope Francis: ang simbahang hindi lumalabas sa sarili para magbahagi ng ebanghelyo ay nagkakasakit at di makausad sa gawaing magmisyon.

3. Moving downward (paglilingkod): taliwas sa pamantayan ng mundo ang pagkilos ng Diyos: hindi pataas, kundi pababa - sapagkat ang Diyos ay naging tao, ang hari ay naging alipin. Hindi 'career,' kundi 'ministry,' ang paglilingkod sa simbahan. Sabi ni Pope Francis sa misa niya kasama ng kaparian sa Manila Cathedral noong 2015: "It is only when we learn to let go of our complacency can we understand the plight of the poor."

*Miyerkules sa Unang Linggo ng Karaniwang Panahon

 
 
 
 
 
 
 
Diocese of Lucena dot org                                            All Rights Reserved ©2020
This website is developed and maintained by and for the faithful of the Diocese of Lucena
 
HOME   |   BACK TO TOP    |   LOG IN