 |
| |
| |
| Sa Isang Salita: 'Kasalo' ni Msgr. Noel |
| 16 January 2021 |
| |
|
Mahalaga sa tao ang mga handaan. Ang bawat salu-salo ay ekpresyon ng malalim na paghahangad na makipag-ugnay sa kapwa. Sa salu-salo, nakikita kung sino ang mahal at mahalaga sa atin. Sagisag ito ng pagkakaibigan at pagkakapatiran.
Sa mga handaang dinaluhan ni Hesus, nahayag kung sino ang malapit sa kanyang puso. Nakisalo siya sa mga dukha at makasalanan. Ipinakita niya, na sa paghahari ng Diyos, may lugar ang mga nakakaligtaan at nasa laylayan ng lipunan.
Sa ebanghelyo, dumulog si Hesus sa hapag ng mga makasalanan. Nakisalo siya kay Levi, isang maniningil ng buwis. Sa isang iglap, nagkaroon ng lugar ang mga dukha at sawi sa hapag ng Panginoon. Naranasan nila ang mapanligtas ng presensya ng Diyos sa kanilang gitna.
Kay Hesus, una muna ang pakikipagkaibigan, bago ang panawagan sa pagbabago. Una na Niya tayong minahal bago pa niya tayo tawagin at piliin. Sa kanyang piging, kinikilala muna niya ang ating halaga at dangal upang dito magsimula ang ating pagtahak sa landas ng pagpapanibago.
*Sabado sa Unang Linggo ng Karaniwang Panahon |
|
| |
|
|
|
| |
| |
|
| |
|
| |
|
|