 |
| |
| |
| Sa Isang Salita: 'Uhaw' |
| 14 March 2020 |
| |
|
"Walang tubig!" Mas mahirap ang mauhaw kaysa magutom. Sa karanasan ng isang survivor na nalibing nang buhay sa gumuhong Hyatt Hotel sa Baguio noong dekada '90, nakatagal siya nang 11 araw sa ilalim ng guho dahil sa tubig galing sa ulan.
Uhaw ang malalim na ekspresyon ng ating pananabik sa Diyos. "As the deer yearns for running stream, so my soul thirsts for you O God."
Sa talinghaga ng Alibughang Anak, nagsimulang mapagtanto ng bunsong anak ang kanyang pagkakasala nang maramdaman niya ang uhaw sa pagmamahal ng kanyang Ama. Ang gutom at uhaw na kanyang dinanas sa malayong lupain ay sagisag "gutom at uhaw" ng isang taong napapalayo sa Diyos.
Sa panahong ito ng Kuwaresma, nawa'y ang kusang loob nating pagpapakasakit ay magpatindi sa pananabik ng ating puso sa Diyos. Sabi ni San Agustin, "our hearts are made for Thee O God, and restless must they be, until they rest in Thee."
*Sabado sa Ikalawang Linggo ng Kuwaresma |
|
| |
|
|
|
| |
| |
|
| |
|
| |
|
|