 |
| |
| |
| Sa Isang Salita: 'Pagtanggi' ni Msgr. Noel |
| 18 January 2021 |
| |
|
Mahirap ang masanay sa kaalwanan. Nakapagpapahina ito ng kakayahang magtiis. Tumatabang ang ating panlasa sa mga bagay na maka-Diyos. Nagiging manhid tayo sa pangangailangan ng kapwa.
Sa pag-aayuno, tinatanggihan natin ang hilig ng laman. Pinalalakas nito ang ating espiritu. Nagkakaroon ng puwang ang Diyos sa ating puso. Nagiging bukas tayo sa pagdamay sa mga nangangailangan.
Pagtanggi sa sarili ang buong buhay ni Juan Bautista. Sa kanyang pag-angat sa layaw ng mundo, inihanda ni Juan ang daraanan ng Mesias. "Take the long road. It's faster," ani Scott Peck. Sa daan ng sakripisyo, tiyak na makararating sa ating hantungan.
*Lunes sa Ikalawang Linggo ng Karaniwang Panahon |
|
| |
|
|
|
| |
| |
|
| |
|
| |
|
|