 |
| |
| |
| Sa Isang Salita: 'Baliw' ni Msgr. Noel |
| 23 January 2021 |
| |
|
Sabi ng isang awit ng OPM: "Sinong dakila? Sino ang tunay na baliw?... Yaong bang sinilang, na ang pag-iisip di lubos? O husto ang isip, ngunit sa pag-ibig ay kapos...?"
Labis ang dedikasyon ni Hesus sa kanyang misyon. At sa dami ng tao, hindi man lamang niya makuhang kumain. Ayon sa nakatala sa ebanghelyo: "Nang mabalitaan ito ng kanyang mga kasambahay, silay pumaroon upang kaunin siya, sapagkat ang sabi ng mga tao, Nasisiraan siya ng bait!
Hindi normal ang turing ng mundo sa mga taong taliwas ang kaisipan at gawi sa ginagawa ng karamihan. Kalimitan, nililibak ng lipunan ang mga taong tapat at banal sapagkat hindi ito nasanay sa daan ng katwiran.
Sa pamayanang ang pandaraya at pagnanakaw ay isang kalakaran, itinuturing na kabaliwan ang maging tapat.
"We cannot always follow the crowd, if we want to follow Christ." Handa kaya tayong maituring na "baliw" para kay Hesus at sa aral ng Kristiyanismo?
*Sabado sa Ikalawang Linggo sa Karaniwang Panahon |
|
| |
|
|
|
| |
| |
|
| |
|
| |
|
|