Sa Isang Salita: 'Paghahari' ni Msgr. Noel
29 January 2021
 
Like the seed that grows of itself, our life is slow and subtle. Love takes time to show and grow. In life, it's our little acts that count.

Ganito ang pagdatal ng Paghahari ng Diyos. Tulad ito ng mabagal subalit tiyak na pagsibol ng binhi. Hindi tayo dapat mag-alinlangan sa presensya at pagkilos ng Diyos sa ating buhay, bagamat itoy nalalambungan ng hiwaga. Pagbubungahin Niya ang anumang simpleng paglilingkod o kagandahang loob na ating ginagawa sa bawat araw.

Sa kabila ng laganap na kasamaan, hindi dapat magsawang maghasik ng kabutihan. Ang binhing inihahasik ay tumutubo at lumalago nang lingid sa ating pang-unawa. Walang pwersa sa lupa ang maaaring humadlang sa pagtatagumpay ng katarungan at kabutihan.

Ang Diyos ng kasaysayan ang siyang magdadala sa atin sa kaganapan nito. Walang maaaring pumigil sa katuparan ng kanyang panukala. Sa takdang panahon, magtatagumpay ang kanyang Paghahari.

*Biyernes sa Ikatlong Linggo sa Karaniwang Panahon

 
 
 
 
 
 
 
Diocese of Lucena dot org                                            All Rights Reserved ©2020
This website is developed and maintained by and for the faithful of the Diocese of Lucena
 
HOME   |   BACK TO TOP    |   LOG IN