 |
| |
| |
| Sa Isang Salita: 'Testigo' ni Msgr. Noel |
| 04 February 2021 |
| |
|
Sinugo ni Hesus ang kanyang mga alagad nang dala-dalawa. Bawat isa ay dapat magbigay-saksi sa kanilang pangangaral. Ang kanilang magkatuwang na pagmimisyon ay huwaran ng kaisahang likas sa Simbahan.
Walang kristiyano ang dapat mamuhay nang mag-isa. Isinisilang at lumalago tayo sa loob ng kapatiran ng mga nananalig.
Sabi ng isang aklat, ang Simbahan ay larawan ng Banal na Sangtatlo. Ang buhay ng Simbahan ay mabisang testigo ng bahaginan ng pag-ibig sa Komunidad ng Tatlong Persona sa Iisang Diyos.
Kulang ang kaligayahan sa langit kung maligtas man tayong mag-isa. Ang kaganapan ng kaligtasan ay kaisahan (communion) ng lahat sa Diyos.
*Huwebes sa Ikaapat na Linggo sa Karaniwang Panahon |
|
| |
|
|
|
| |
| |
|
| |
|
| |
|
|