 |
| |
| |
| Sa Isang Salita: 'Sandata' ni Msgr. Noel |
| 05 February 2021 |
| |
|
Sandata
Anong kapangyarihan mayroon si Juan Bautista laban kay Herodes? Hawak na ni Herodes ang lahat: kayamanan, kapangyarihan at impluensya sa lipunan. Kahit kalahati ng kanyang kaharian ay kaya niyang ipamigay, masunod lamang ang kanyang kagustuhan.
Subalit si Juan ay may isang sandata na mas makapangyarihan kaysa hari. Ito ay ang katotohanan. Lumilipas at maglalaho ang mga kaharian. Mananatili ang katotohanan. Ito ang ipinahayag ni Juan kahit na siya ay mamatay.
Bokasyon ng bawat Kristiyano ang maging propeta. Tungkulin nating magpahayag ng katotohanan; ang maging liwanag sa gitna ng karimlan. Kailangan ito ng lipunan sa ating panahon. "When times are tough, the prophet speaks."
*Biyernes sa Ikaapat na Linggo sa Karaniwang Panahon |
|
| |
|
|
|
| |
| |
|
| |
|
| |
|
|