 |
| |
| |
| Sa Isang Salita: 'Affected' ni Msgr. Noel |
| 06 February 2021 |
| |
|
Kapag may pangyayaring bumabagabag sa ating kalooban, sinasabing tayo ay 'affected.' Kaakibat nito ay matinding emosyon. Nababago ang ating 'mood.'
Sabi ng mga sinaunang pilosopo, hindi ito maaaring mangyari sa Diyos. Anila, ang kalikasan ng Diyos ay hindi nababago. Walang anumang maaaring makaapekto sa kanya. Taliwas ito sa kaganapan ng maka-Diyos na pag-iral.
Subalit hindi ganito ang Diyos na ipinahayag sa Biblia. 'Affected' ang Diyos sa paghihirap na dinanas ng mga Israelita sa kanilang pagkaalipin sa Egipto. Dininig niya ang panaghoy ng kanyang bayan.
Ito ang mukha ng Diyos na nahayag kay Hesus: nang makita niya ang napakaraming tao, "nahabag siya sa kanila sapagkat para silang mga tupang walang pastol. Kaya't tinuruan niya sila ng maraming bagay." Ang kanyang habag ay may kasunod na pagkilos.
Habag ang nasa likod ng wagas na paglilingkod sa kapwa. Kailangan nating maging 'effective,' at hindi lang 'affected.' Habag na may kasamang pagkilos.
*Sabado sa Ikaapat na Linggo sa Karaniwang Panahon |
|
| |
|
|
|
| |
| |
|
| |
|
| |
|
|