Sa Isang Salita: 'Swerte' ni Msgr. Noel
07 February 2021
 
Grasya o swerte? Hindi dapat maniwala o umasa ang isang Kristiyano sa swerte. Lahat ng ating natatanggap ay sa Diyos nagmumula. Everything is grace. Ang swerte ay walang kaakibat na ugnayang personal sa Lumikha. Sa grasya, kinikilala nating konektado ang ating buhay sa Diyos na nagpapala.

Maganda ang istorya ng Pagpapagaling ni Hesus sa Biyenan ni Pedro. Matapos nitong tanggapin ang biyaya ng paggaling, iniulat sa ebanghelyo na "siya'y naglingkod."

Ang grasya ay hindi lang 'bagay' na tinatanggap; ito ay 'buhay' na binabago ng pagkilos ng Diyos sa ating buhay. May kasamang pananagutan ang bawat biyayang ipinagkaloob. Ang taong pinagpala ay dapat ding magpala sa kapwa.

Kung wala tayong sakit, hindi ito swerte; ito ay grasyang nag-aanyaya sa atin para maglingkod. Kung tayo ay matalino, mayaman o sikat, hindi tayo 'sinuwerte,' tayo ay 'pinagpala.' Pananagutan nating ibahagi ito. Hayaan nating 'mahawahan' tayo ng pagkamapagbigay ng Diyos!

*Ikalimang Linggo sa Karaniwang Panahon (B)

 
 
 
 
 
 
 
Diocese of Lucena dot org                                            All Rights Reserved ©2020
This website is developed and maintained by and for the faithful of the Diocese of Lucena
 
HOME   |   BACK TO TOP    |   LOG IN