 |
| |
| |
| Sa Isang Salita: 'Malinis' ni Msgr. Noel |
| 09 February 2021 |
| |
|
Hindi sa lahat ng pagkakataon ay tama ang kasabihang, "cleanliness is next to godliness." May mga taong marungis ang anyo, subalit busilak naman ang puso. Mayroon namang malinis at maputi ang kutis ngunit maitim naman ang budhi. Ang nakikita ng ating mata ay hindi katiyakan ng nilalaman ng kalooban. Maaaring ikubli ng panlabas na anyo ang tunay na nilalaman ng puso.
Sa ebanghelyo, ipinahayag ni Hesus na walang lugar ang pagpapaimbabaw sa tunay na kabanalan. Ang panlabas na ritwal ay walang katuturan kung wala itong kalakip na pagbabago ng asal.
Hindi lang sa panlabas na kalinisan makikita ang pagiging maka-Diyos, kundi sa matuwid na pamumuhay.
"Mapalad ang may malinis na puso, sapagkat makikita niya ang Diyos."
*Martes sa Ikalimang Linggo sa Karaniwang Panahon |
|
| |
|
|
|
| |
| |
|
| |
|
| |
|
|