 |
| |
| |
| Sa Isang Salita: 'Mag-ingat' ni Msgr. Noel |
| 10 February 2021 |
| |
|
"Be careful with your heart," sabi ng isang awit. Dapat nating ingatan ang ating puso sapagkat ito luklukan ng ating mga hangarin at pagnanasa. Sa ating puso nagmumula ang ating mga pasya. Ito rin ang 'lugar' kung saan unang nagtutunggali ang kasamaan at kabutihan. Ayon sa ebanghelyo, hindi ang pumapasok sa bibig ng tao ang nagpaparumi sa kanya kundi ang nanggagaling sa kaibuturan ng kanyang puso. Bago pa natin isagawa ang isang bagay - masama man o mabuti - una muna itong 'naluto' sa ating puso.
Ang pakikiapid ay nag-uugat sa mahalay na pagnanasa. Ang karahasan ay nagmumula sa galit at poot. Ang pagkasira ng kalikasan ay nag-uugat sa kasakiman sa pera.
Subalit natuturuan ang puso. Sa disiplina, sinasanay natin ang ating puso na hindi paalipin sa maling paghahangad. Pormasyon ng puso ang puso ng pormasyon.
Ang daan tungo sa tunay na kabanalan ay hindi lamang ang paggawa ng mabuti ('doing good'), kundi ang pagigiging mabuti ('being good').
*Miyerkules sa Ikalimang Linggo sa Karaniwang Panahon |
|
| |
|
|
|
| |
| |
|
| |
|
| |
|
|