 |
| |
| |
| Sa Isang Salita: 'Pagsubok' ni Msgr. Noel |
| 11 February 2021 |
| |
|
Walang mahirap na pagsubok sa taong kumakapit sa Diyos. Para sa kanya, ang batong katitisuran ay nagiging batong tungtungan para makamit ang inaasam.
Ganito kalaki ang pananalig ng babaeng taga Sirofenica sa ating ebanghelyo. Hindi siya nawalan na loob sa pagsusumamo kay Hesus. Sa halip, ang 'pagsubok' ni Hesus ay ginawa niyang okasyon upang ipamalas ang tindi ng kanyang pananampalataya.
"What men call adversity, God calls opportunity." Akuin natin ang pananaw ng Diyos upang makita sa bawat hamon ng buhay ang mga pagkakataon ng biyaya.
*Huwebes sa Ikalimang Linggo sa Karaniwang Panahon |
|
| |
|
|
|
| |
| |
|
| |
|
| |
|
|