 |
| |
| |
| Sa Isang Salita: 'Konti' ni Msgr. Noel |
| 13 February 2021 |
| |
|
Ilang linya sa awit ni Gary Granada ay naglalaman ng ganito: "Maari bang, maari bang umusog-usog ng konti [...] Hindi naman buong-buo ang hinihiling ko sa iyo. Ngunit kahit kapiraso maaring magkasundo tayo..."
Kapag pinagsama-sama, malaki ang magagawa ng konti. Kay Hesus, mahalaga ang kontribusyon ng bawat isa, lalo na at nanggaling ito sa itinuturing ng mundo na 'maliliit at mahihina.' Sa kanya ay mahalaga ang lahat. Ang himala ng tinapay at isda ay nagsimula sa kakaunting mayroon ang mga alagad. Tinipon, binasbasan at ibinahagi.
Ang kalikasan at ugnayan ng tao ay sinisira ng labis na paghahangad. Malaki ang tukso na maging maramot tayo at sakim sa mga biyaya ng mundo.
Sa pagbabahagi - ng kahit konti - nagsisimula ang himala ng pagpapanibago sa lipunan.
*Sabado sa Ikalimang Linggo sa Karaniwang Panahon |
|
| |
|
|
|
| |
| |
|
| |
|
| |
|
|