 |
| |
| |
| Sa Isang Salita: 'Mahina' ni Msgr. Noel |
| 15 February 2021 |
| |
|
Mahina
Malimit nating ituring na 'mahina' ang mga taong mababa ang IQ. Ang totoo, higit na mahirap ang maging matalino subalit mahina naman ang kakayahang bumasa sa mga "tanda ng panahon."
Ganito ang mga pariseo noong panahon ni Hesus. Eksperto sila sa batas at sa kasulatan. Istrikto sa pagsasagawa ng mga ritwal ng relihiyon.
Subalit, hindi nila makita ang pagkilos ng Diyos sa kanilang gitna. Sa dinami-dami ng mga himalang ginawa ni Hesus, ayaw pa ring nilang maniwala. "Walang anumang tanda ang ipapakita sa lahing ito!," ang pahayag ni Hesus.
Sabi ng ilang teologo: The question of our age is not, "Does God exist," but "Where is God present?" Saan ba matatagpuan ang Diyos? Saan ba siya dapat hanapin? Ang nagaganap sa ating paligid ang "lugar" ng pagpapakita ng Diyos. Nagsasalita Siya sa mga karanasan at pangyayari sa lipunan.
Sa likod ng mga kalamidad sa ating panahon, tulad ng bagyo, baha at pandemya, ang Diyos ay nagpapahatid ng mensahe sa tao.
Sabi sa dokumentaryong 'Inconvenient Truth,' "we live in an era of consequences." Nararanasan na natin ngayon ang bunga ng ating kapabayaan at pang-aabuso sa kalikasan.
Marami sa ating mga lider ang 'matalino' subalit 'mahina' ang kakayahang bumasa sa mga tanda ng panahon. "It is difficult to get a man to understand something when his selfish interest depends upon his not understanding it." [U. Sinclair]
*Lunes sa Ikaanim na Linggo sa Karaniwang Panahon |
|
| |
|
|
|
| |
| |
|
| |
|
| |
|
|