 |
| |
| |
| Sa Isang Salita: 'Di Matuto' ni Msgr. Noel |
| 16 February 2021 |
| |
|
Ilang ulit na ba nating naranasan ang kabutihan ng Diyos? Gaano na karami ang pagpapalang ating matanggap mula sa kanya? Hindi natin kayang bilangin. Nag-uumapaw ang patunay ng kanyang pagmamahal.
Subalit mabilis din tayong makalimot. Sa harap ng pagsubok, madali tayong mag-alinlangan. Tila napapawi ang lahat sa ating gunita.
Ganito ang karanasan ni Hesus sa kanyang mga alagad. Sa kabila ng mga himalang nasaksihan nila kay Hesus, agad silang nakalimot nang sila ay makaranas ng gutom! Ani Hesus sa kanila: "Hindi pa ba kayo nakakabatid o nakauunawa?"
Sa isang nananalig, hindi lamang isip, kundi puso, ang may kakayahang matuto at umunawa. Ang nawawaglit sa ating isip ay nananatili sa alaala ng puso.
*Martes sa Ikaanim na Linggo sa Karaniwang Panahon |
|
| |
|
|
|
| |
| |
|
| |
|
| |
|
|