Sa Isang Salita: 'Habag' ni Msgr. Noel
20 February 2021
 
Ayon sa spiritual writer na si Henri Nouwen, ang habag ay "ang pagtungo sa lugar ng paghihirap." Ito ang tunay na kahulugan ng pakikiramay. Ang isang taong may habag ay handang danasin at akuin ang pinagdadaanan ng isang nagdurusa.

Si Hesus ang Mukha ng habag ng Diyos, sabi ni Papa Francisco. Sa kanyang buhay ay nahayag ang pagkilos ng Diyos tungo sa lugar ng abang katatayuan nating mga tao. Sa ebanghelyo, sinabi Niya: "naparito ako hindi para sa mga matuwid, kundi para sa mga makasalanan."

Hindi natin dapat ipinid ang pinto ng pagbabago sa mga makasalanan. Kahit ang pinakamasamang tao ay may tilamsik ng biyaya ng pagbabalik-loob. Sabi ni Papa Francisco: "ang simbahan ay hindi isang museo ng mga Santo kundi isang ospital ng mga makasalanan."

Gawin nating makabuluhan ang ating Kuwaresma sa pagsasabuhay ng diwa ng tunay na pagdamay.

*Sabado pagkatapos ng Miyerkules ng Abo

 
 
 
 
 
 
 
Diocese of Lucena dot org                                            All Rights Reserved ©2020
This website is developed and maintained by and for the faithful of the Diocese of Lucena
 
HOME   |   BACK TO TOP    |   LOG IN