Sa Isang Salita: 'Lahat' ni Msgr. Noel
20 March 2020
 
Nakakatakot daw kantahin ang, "Kunin mo, O Diyos," sabi ng isang maninimba. Bakit? Dahil kung ito ay tototohanin, aniya, wala nang matitira sa iyo. Lahat ay ihahandog mo sa Diyos: "kalayaan, kalooban, isip at gunita, pag-aari, atbp." Handang ibigay ng isang nagmamahal ang lahat.

Sa ebanghelyo, ito ang implikasyon ng pinadakilang utos. "Mahalin mo ang Panginoon mong Diyos nang buo mong puso, kaluluwa, pag-iisip at lakas."

Itinakda ng 10 utos ang pag-ibig sa Diyos bilang pinakauna sa lahat upang ipaalaala kung sino ang dapat maging prioridad natin sa buhay. "First things first," ayon kay Stephen Covey, ang isa sa susi ng mga taong matagumpay. Kapag inuna natin ang dapat unahin, magiging madali at maayos ang lahat.

Kapag pinahawakan natin sa Diyos ang lahat, siya ang magpapatakbo ng ating buhay ayon sa kanyang layunin.

Ngayong kuwaresma, usisain natin kung anong bahagi ng ating pagkatao ang hindi pa hawak ng Diyos. Sana'y lahat. "Totus tuus," ang ating dasal.


*Biyernes sa Ikatlong Linggo ng Kuwaresma

 
 
 
 
 
 
 
Diocese of Lucena dot org                                            All Rights Reserved ©2020
This website is developed and maintained by and for the faithful of the Diocese of Lucena
 
HOME   |   BACK TO TOP    |   LOG IN