Sa Isang Salita: 'Luklukan' ni Msgr. Noel
22 February 2021
 
Sa kasaysayan ng Simbahan, may dalawang uri ng luklukan na kinikilalang simbolo ng autoridad: ang luklukan ng guro (magisterium cathedrae magistralis) at ang luklukan ng pastol o namumuno (magisterium cathedrae pastoralis). Kapwa sila may di matutumbasang ambag sa pag-inog ng pagkagagap ng Simbahan sa katotohanan ng pananampalataya. Ang guro ay nagsasaliksik ng iba't ibang paraan ng pagpapaliwanag o ekspresyon ng ating pananampalataya; ang pastol ay nagbibigay ng wastong pag-unawa sa ating pinananaligan.

Kinikilala ng ating Simbahan ng Luklukan ni San Pedro sa mahalagang papel nito bilang "ministeryo para sa kaisahan sa pananampalataya ng Simbahan."

Isa sa pinakamatandang institusyong umiiral sa mundo, itinuturing na dakilang yaman ng Simbahan ang kapangyarihan ng opisyo ng Santo Papa. Subalit higit sa lahat, ito ay isang uri ng serbisyo o paglilingkod.

Sa loob ng 2000 taon ng pag-iral nito, nanatili ang ating Simbahang nakasandig sa tunay na pananampalataya dahil sa ministeryo ni Pedro sa katauhan ng Santo Papa (Petrine ministry), para sa pagpapanatili ng Simbahan sa tunay na pananampalataya.

*Kapistahan ng Luklukan ni San Pedro

 
 
 
 
 
 
 
Diocese of Lucena dot org                                            All Rights Reserved ©2020
This website is developed and maintained by and for the faithful of the Diocese of Lucena
 
HOME   |   BACK TO TOP    |   LOG IN