 |
| |
| |
| Sa Isang Salita: 'Himala' ni Msgr. Noel |
| 24 February 2021 |
| |
|
Totoo ba ang himala? Malimit, ang hinahanap natin sa himala ay iyong kagila-gilalas, kakaiba at kahanga-hanga. Subalit sa biblia, mas mahalaga ang mensahe kaysa nakikita. A miracle is "more meaningful than wonderful." Hungkag ang isang milagro kung wala itong hatid na mensahe tungkol sa Diyos na nagliligtas sa tao.
Higit pa sa kababalaghang hatid nito, ang himala ay nagpapahiwatig na ang buhay ay may kahulugan sapagkat may Diyos tayo na nagmamahal at lumilingap sa tao.
Sa ebanghelyo, hinahanapan ng mga Judio si Hesus ng tanda o patunay na siya nga ang Mesias. Subalit ang hindi nila nababatid, si Hesus mismo ang himala at tanda ng presensya ng Diyos na kumikilos sa kanilang gitna.
Ngayong kuwaresma, inaanyayahan tayong danasin ang presensya at pagkilos ni Hesus sa ating buhay. Ito ang dakilang himala.
*Miyerkules sa Unang Linggo ng Kuwaresma |
|
| |
|
|
|
| |
| |
|
| |
|
| |
|
|