 |
| |
| |
| Sa Isang Salita: 'Dasal' ni Msgr. Noel |
| 25 February 2021 |
| |
|
"Humiling ako sa Diyos na pagkalooban ng bulaklak sa aking hardin, subalit kinabukasan sa aking paggising, ang nakita ko ay hindi bulaklak kundi isang hamak na cactus...
Muli humiling ako sa Diyos na magpadala ng paru-paro sa aking bakuran, ngunit nalungkot ako nang ang aking natanggap ay hindi paru-paro kundi isang pangit na uod... Lumipas ang maraming araw at ako'y nagulat. Sapagkat sa dulo ng cactus ay sumibol ang napakagandang bulaklak; at ang uod ay naging isang ganap na paru-paro." (*Halaw sa isang lumang Istorya)
Ganito ang dapat isaisip sa pananalangin. Hindi sa ating panahon kundi sa kanyang itinakdang oras ng Diyos kakamtin natin ang pagpapala. May sarili siyang "time table" sa pagkakaloob ng ating hinihiling.
"Humingi ka at ikaw ay bibigyan; kumatok ka at ikaw ay bubuksan," sabi ng ebanghelyo. Kung tila hindi tayo dinirinig ng Diyos ang ating dasal, marahil ay may biyayang mas dakila ang naghihintay sa atin sa araw ng bukas. O kaya, marahil ang hinihingi natin ay hindi tutugon sa tunay na inaasam ng ating puso.
May karunungang dulot ang paghihintay. Sa mga sandaling ito, nililinis at inihahanda ng Diyos ang ating puso sa pagtanggap sa biyayang higit pa sa ating hinihiling at inaasahan.
Paigtingin natin ang ating buhay panalangin ngayong panahon ng Kuwaresma. Magnilay nang taimtim. God will make things beautiful in HIS TIME.
*Huwebes sa Unang Linggo ng Kuwaresma |
|
| |
|
|
|
| |
| |
|
| |
|
| |
|
|