Sa Isang Salita: 'Sana All' ni Msgr. Noel
08 March 2021
 
Ganito ang ating 'wish' kapag may pagpapalang tinatanggap ang ibang tao. Gusto rin nating maambunan ng grasyang kanilang tinatamasa.

Sa kaisipan ng mga Judio, sila lang ang mahal ng Diyos. Dahil sila ang bayang pinili, sila lamang ang nararapat na makinabang sa kanyang mga himala.

Subalit binasag ni Hesus ang paniniwalang ito. Ipinaalaala niya sa mga Judio ang naganap sa Lumang Tipan: sa dinami-dami ng balo sa Israel noong kapanahunan ni Elias, sa isang babaing balo sa Sarepta lamang siya sinugo ng Diyos. At noong kapanahunan ni Eliseo, ang tanging pinagaling sa ketong ay isang taga-Siria na si Naaman.

Ang pag-ibig ng Diyos ay para sa lahat. Kapag Siya ay pumili, hindi siya nagtatangi. Lahat ay kabahagi sa kanyang pagkupkop at paglingap.

Sa Diyos, ang ating 'sana' ay tiyak na. Walang hangganan ang kanyang pagmamahal.

*Lunes sa Ikatlong Linggo ng Kuwaresma

 
 
 
 
 
 
 
Diocese of Lucena dot org                                            All Rights Reserved ©2020
This website is developed and maintained by and for the faithful of the Diocese of Lucena
 
HOME   |   BACK TO TOP    |   LOG IN