Sa Isang Salita: 'Lunas' ni Msgr. Noel
14 March 2021
 
Sa isang natuklaw ng ahas, ang dating lason ang nagiging lunas. Mula sa kamandag, kinukuha ang gamot na panlaban sa lason nito upang ang natuklaw ay hindi mamatay.

"Kung paanong itinaas ni Moises ang ahas sa ilang, kailangang itaas ang Anak ng tao upang ang sinumang sumampalataya ang magkaroon ng buhay..."

Kamatayan ng tao ang bunga ng kasalanan. Kamatayan ni Hesus ang lunas upang ibalik ang buhay. Upang tayo ay mabuhay ayon sa Espiritu, kamatayan sa lumang pagkatao ang kailangan. Sa ating pasyang sumampalataya, tayo ay pumapanaw sa dating pamumuhay na ayon sa laman.

Ito ang karanasan ng mga unang Kristiyano. Ramdam sa kanila ang bunga ng Espiritu: walang sinuman ang nagdarahop sapagkat lahat ay nagbabahaginan. Magagawang limutin ang sarili ng isang namumuhay ayon sa Espiritu.

Si Hesus ay lunas sa ating pagkamakasarili. Kapag tinaglay natin ang kanyang diwa, babangon tayo sa ating pagkalugami sa dilim ng kasalanan.

*Ikaapat na Linggo ng Kuwaresma

 
 
 
 
 
 
 
Diocese of Lucena dot org                                            All Rights Reserved ©2020
This website is developed and maintained by and for the faithful of the Diocese of Lucena
 
HOME   |   BACK TO TOP    |   LOG IN