Sa Isang Salita: 'Himala' ni Msgr. Noel
15 March 2021
 
Tayo ba ay naniniwala dahil may naganap na himala, o nagaganap ang himala dahil tayo ay naniniwala?

Sa ebanghelyo, hindi ginamit ni Hesus ang himala para piliting maniwala ang mga nag-aalinlangan. Sa kabaligtaran, gumagawa siya ng himala sa mga taong ang puso ay puspos na ng pagtitiwala.

Malimit na hindi makita ng ating mga mata ang presensya at paggalaw ng Diyos sa mga nagaganap sa bawat araw. Tanging pusong nananalig lamang ay may kakayahang makakita nito.

Hindi na kailangang pumunta sa malayong pook para maghanap ng mga tanda at kababalaghan. Araw araw sa ating buhay, may nagaganap na himala. Kailangan lamang nating buksan ang ating puso upang makita ang Diyos na kumikilos sa ating buhay.

Sabi sa aklat na The Little Prince: "It is only with the heart that one can see rightly; what is essential is invisible to the eye." Antoine de Saint-Exupéry.

*Lunes sa Ikaapat na Linggo ng Kuwaresma

 
 
 
 
 
 
 
Diocese of Lucena dot org                                            All Rights Reserved ©2020
This website is developed and maintained by and for the faithful of the Diocese of Lucena
 
HOME   |   BACK TO TOP    |   LOG IN