 |
| |
| |
| Sa Isang Salita: 'Binhi' ni Msgr. Noel |
| 21 March 2021 |
| |
|
Bakit kailangang may mamatay? Bakit kailangang mamatay?
Ani Hesus sa ebanghelyo: Maliban ang butil ng trigo ay mahulog sa lupa at mamatay, ay mananatili itong nag-iisa. Ngunit kung itoy mamatay, mamumunga ito ng sagana.
Ang totoo, ang kamatayan ay di lang maiiwasan kundi bahagi ng realidad ng buhay. Ang binhi ay kailangang mamatay para mamunga nang sagana (natural necessity). Ang mga bayani ay kailangang mag-alay ng buhay para magising at magbago ang lipunan (historical necessity). Tayo ay kailangang mamatay sa pagkamakasarili para magbago at umunlad ang pagkatao (existential necessity). Sabi nga, we must "be willing to surrender what we are for what we could become."
Ito ang kahulugan ng ipinahayag ni Hesus: "Ang sinumang nagmamahal sa kanyang buhay ang siyang mawawalan nito; ang sinumang mapoot sa kanyang buhay ang siyang magkakamit nito." Sabi ni Albert Einstein: Only a life lived for others is worth-living.
Sa paggunita natin sa pagpapakasakit at kamatayan ni Kristo ngayong Kuwaresma, paanyaya ng ebanghelyo na pumanaw sa lumang sarili upang si Kristo ang sa atin'y mabuhay. Tuklasin nating sa ating mumunting kamatayan, nahahasik ang binhi ng bagong buhay.
*Ikalimang Linggo ng Kuwaresma (B) |
|
| |
|
|
|
| |
| |
|
| |
|
| |
|
|