 |
| |
| |
| Sa Isang Salita: 'Taliwas' ni Msgr. Noel |
| 23 March 2021 |
| |
|
"Kung totoong may Diyos, bakit siya nagtatago..?," tanong ng isang newsman sa isang interview noon kay Papa San Juan Pablo II. Ang sagot ng Papa: "Ang totoo niyan, hindi siya nagtatago. Labis-labis pa nga ang kanyang ginawa nang siya ay magpahayag ng sarili: siya'y naging tao."
Sinabi sa ebanghelyo, "Kapag itinaas na ang Anak ng tao, makikilala ninyo na 'Ako ay si Ako nga.'" Ang tinutukoy nito ay kanyang pagtataas sa krus.
Taliwas sa pamamaraan ng Diyos ang pamamaraan ng tao. Mahirap unawain kung paanong sa kapakumbabaan ng alipin nagpakilala ang Diyos sa langit. Labag ito sa makataong lohiko. Sa lenguahe ng kapangyarihan, ito ay isang kahangalan. "Anong klaseng Diyos 'yan? "Diyos ka, tapos magpapapako ka sa Krus?"
Subalit hindi ganito ang lenguahe ng pag-ibig. Ang taong nagmamahal ay hindi puno ng sarili. Hindi siya palalo. Handa siyang magsakripisyo para sa iba. May malawak na lugar sa kanyang puso ang kanyang kapwa.
Nawa'y mabanaagan natin ang kaluwalhatian ng langit sa kaabahan ng krus ng paglilingkod at pagdamay.
"When the power of love overcomes the love of power, the world will know peace."
*Martes sa Ikalimang Linggo ng Kuwaresma |
|
| |
|
|
|
| |
| |
|
| |
|
| |
|
|