Sa Isang Salita: 'Pag-uusig' ni Msgr. Noel
26 March 2021
 
"The world cannot withstand a person who is absolutely good... he will be persecuted and nailed to the cross," ani Joseph Cardinal Ratzinger (na ngayon ay si Papa Emerito Benedicto) sa kanyang aklat na "Dogma and Preaching."

Hindi maatim ng mundo ang presensya ng isang taong sukdulan ang kabutihan. Ang kanyang buhay ay isang matinding dagok sa budhi ng lipunang namihasa sa lisyang kalakaran.

Sa ebanghelyo, sinabi ni Hesus: Maraming mabubuting gawa mula sa Ama ang ipinakita ko sa inyo; alin ba sa mga ito ang dahilan at akoy inyong babatuhin?

Ganito ang dinaranas ng mga taong nagtataguyod sa kabutihan. Sa ating panahon, patuloy na nagaganap ang pag-uusig sa katwiran. Sa kabilang dako, nagmimistulang 'bayani' ang mga nagtatanggol sa kabuktutan.

Ngayong Kuwaresma, akuin natin ang ating tungkuling ipagtanggol ang panig ng kabutihan. "If God is with us, who can be against us."

*Biyernes sa Ikalimang Linggo ng Kuwaresma

 
 
 
 
 
 
 
Diocese of Lucena dot org                                            All Rights Reserved ©2020
This website is developed and maintained by and for the faithful of the Diocese of Lucena
 
HOME   |   BACK TO TOP    |   LOG IN