 |
| |
| |
| Sa Isang Salita: 'Walang Iwanan' ni Msgr. Noel |
| 27 March 2021 |
| |
|
Si Caifas, ang punong saserdote noong panahon ni Hesus, ang nagsabi nito:
"Hindi ba ninyo naiisip na mas mabuti para sa atin na isang tao lamang ang mamatay alang-alang sa bayan, sa halip na mapahamak ang buong bansa?
Ang katwirang ito ni Caifas ang nagtulak para mabigyang katwiran ang kamatayan ni Hesus.
Dapat nga bang hayaang mamatay ang isa para mabuhay ang lahat? Makatwiran bang isakripisyo ang karapatan ng ilan para sa protektahan ang buhay ng marami? Ayos lang ba na isantabi ang pangangailangan ng mga nasa gilid dahil mas mahalaga ang pangangailangan ng mga nasa gitna? Okey lang ba na sirain ang kalikasan para umunlad ang bayan?
Ang panukala ng Diyos ay kaligtasan ng BUO (whole) at LAHAT (all) ng tao. Walang mahuhuli at maiiwan. Integral na pananaw sa tao, sa sangnilikha at buhay ang itinataguyod ng Simbahan.
Lahat ay tayo mahalaga sa Diyos. Lahat ng tao at bagay ay magkakaugnay. Bawat isa ay may nakatakdang layunin para matupad ang mapanligtas na plano ng Maykapal.
*Sabado sa Ikalimang Linggo ng Kuwaresma. |
|
| |
|
|
|
| |
| |
|
| |
|
| |
|
|