 |
| |
| |
| Sa Isang Salita: 'Karamay' ni Msgr. Noel |
| 28 March 2021 |
| |
|
Sabi ng ilang eksperto, mas angkop na tawagin na 'physical distancing' ang paraan ng pag-iingat laban sa Covid19 kaysa sa 'social distancing.' Anila, sa panahong ito ng salot, napakahirap ng kalalagayan ng mga maysakit - nagdurusa at namamatay na nag-iisa. Kahit tayo na magkakahiwalay, hindi dapat mawala ang diwa ng pakikiramay at paglingap.
Kung marami tayong pinagdaraanan ngayon, isipin natin na una na itong dinaanan ni Hesus. Hindi tayo nag-iisa. Mayroon tayong karamay. "Ramdam" ng Diyos ang ating abang katatayuan.
Nagsisimula ang Semana Santa sa pagpasok ni Hesus - hindi lang sa lungsod ng Jerusalem - kundi sa pook ng paghihirap at pighati ng sangkatauhan. Ito ang hudyat ng Kanyang pagyakap sa Kanyang krus. Ang "Passion Sunday" ay "Compassion Sunday." Ang Mesias ay nagpakasakit, hindi lang para sa atin, kundi kasama natin.
Ang krisis na hatid ng Covid19 pandemic ay nag-aanyaya sa atin upang yakapin ang iba't-ibang anyo ng kahirapan. Wala man tayo sa lugar ng mga nagdurusa, maaari tayong magbahagi at dumamay para maibsan ang paghihirap sa ating panahon. .
*Linggo ng Pagpapakasakit ng Panginoon |
|
| |
|
|
|
| |
| |
|
| |
|
| |
|
|