 |
| |
| |
| Sa Isang Salita: 'Lingkod' ni Msgr. Noel |
| 01 April 2021 |
| |
|
Sa paghuhugas ng paa ng mga alagad, isinalarawan ni Hesus sa simbolikong pagkilos ang pag-ibig ng Diyos. Ang Diyos na 'mula sa kaitaasan' ay nagpakita ng kadakilaan sa kapakumbabaan ng isang lingkod.
Ayon kay San Pablo, hindi lang isa kundi dalawang hakbang, ang pagpapakababa (kenosis) na ginawa ni Hesus: una, nang siya'y nagkatawang tao at ikalawa, nang siya'y maghain ng buhay sa Krus.
Sabi ng isang spiritual writer, "The foot washing is a sign of the ultimate subversion of all human authority." Sa pagpapakumbaba ni Hesus, isiniwalat ang kawalang halaga ng ating paghahangad sa dangal, kapangyarihan at yamang ibinibigay ng mundo.
Sa kabalintunaan, itinuro ni Hesus ang pag-ibig na hindi naghahanap ng sariling kaluguran. Iniutos ni Hesus sa mga alagad na magmahal sa iba 'tulad' ng ginawa Niya.
Ito ang nasa likod ng kanyang utos noong Huling Hapunan na "Gawin ninyo ito bilang pag-aalaala sa akin." Ibig sabihin, mapapanatili natin ang alaala ni Kristo - hindi lang sa pamamagitan ng ritwal ng pagsamba sa Diyos - kundi sa paglalaan ng buhay sa Kapwa, na siyang diwa at buod ng Eukaristiya.
*Huwebes Santo, Simula ng Triduo Pascual |
|
| |
|
|
|
| |
| |
|
| |
|
| |
|
|